Kwento ng mga fragile beings

Please subscribe it means a lot to me thanks.

Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.


I Gel Stories

Nakakasad wala na akong views dito sa youtube

1 year ago | [YT] | 1

I Gel Stories

Sa bawat pagod at alanganin, narito ako, handang maging kanlungan ng iyong puso. Huwag kang lumayo, sapagkat ang yakap ko ay laging naghihintay. Ikaw ay sapat at aking ipapaalala sa bawat pagkakataon. Sa mga pahina ng kwentong isinulat natin, ikaw ang dahilan ng kulay at saya, at ang ating paglalakbay ay magpapatuloy, kasama ka sa bawat hakbang. Ang buwan at mga bituin ay saksi sa ating pagmamahalan, at kahit ano pa ang dumating, pangako, hinding-hindi kita iiwan.

#IGelStories

1 year ago | [YT] | 0

I Gel Stories

Lipad sa bawat sulok ng mundo
Dahil pakpak mo'y iyong kontrolado
Puntahan mo ang lugar na iyong gusto
Sundin mo lang ang iyong puso
Sa buhay mong iyong pinapatakbo

SUPER PINOY
https://youtu.be/2dT162BwVjs

#IGelStories

1 year ago | [YT] | 0

I Gel Stories

Dahan-dahan lang naman sana
Ang pagbitaw sa ating mga alaala
Dahil sa bawat hakbang palayo ka
Alam kong walang linaw na babalik pa
Kaya gusto kong sulitin muna
Ang mga oras na ika'y kasama

SA ISIP KO
https://youtu.be/FbgLsK-Q1VY

#IGelStories

1 year ago | [YT] | 0

I Gel Stories

Mahirap bitawan at pakawalan
Lumipas natin tila ba kailan lang
Dahil madami na rin tayong pinagdaanan
Hindi ba't nakakapanghinayang?

MULI IKAW LANG AT AKO
https://youtu.be/kDb4ka3J5CQ

#IGelStories

1 year ago | [YT] | 0

I Gel Stories

UMASA SA WALA
Spoken Word Poetry #236
Likha ni: Sir Gel

Nalilito nagtatanong paano ba nahulog
Itong puso sa taong hindi marunong sumalo
Gulong-gulo naliligaw sa kakahanap ng sagot
Kung bakit ba sa'yo pa nga nagkagusto

Nagtataka o bakit ba
Sa tulad mo ako'y naging tanga
Kahit madami naman d'yang iba
Na may paninidigan diba

Ngumingiti bawat sandali
Sa tuwing pangalan mo'y naririnig
Dahil alam ng marami
Ikaw ay aking bukang bibig

Ngunit ang lupit sadyang kay pait
puso ko sa iyo'y naging sawi
Habang nakikita kita sa malapit
Sa akin ay hindi mo kayang tumabi

'Di naman ako nanaginip
O 'di naman sinasadyang umibig
Pero puso'y natatalo ang isip
Ikaw ang sinisigaw ng dibdib

Minsan na nga lang magmahal ng ganito
'Di ka pa iibigin pabalik
Ang hirap ng nasa sitwasyong ito
'Di ka kayang mahalin kahit saglit

Noong una pa alam mo ba
Sigaw ng puso ay ikaw na
Ewan ko lang kung iyong nahahalata
O sinasadya mong hindi makita

Ngunit ika'y manhid 'di mo ba batid
Ating nadarama ay iisa
Kaya ba lahat ng aking pahiwatig
Iyo na lamang binabalewala

Siguro nga ito ay huli na
Siguro nga mali ang mahalin ka pa
Pero sana subukan mo muna
Bago mo sabihing hindi mo kaya

O bakit pa ba tayo pinagtagpo
Naguluhan ano nga ba ako sa'yo
Kung hindi naman pwedeng maging tayo
Sa buhay mo saan ako pupwesto

Pagbigyan mo na itong nadarama
Ano ba ang dapat kong gawin nang ako'y iyong mahalin
Diretsyo mong tingnan ang aking mata
At sa harap ko ay iyong sabihin

Pakiusap ko na sana
Ibigay ka ni bathala
'Di man ngayon o sa makalawa
Baka sa sunod na bukas ay pwede na

Nahihirapan na akong magpanggap
Na wala lang talaga
Kaya't sana naman itong pangarap
Hindi na lang gawa-gawa

Pagbibigyan pa ba itong nadarama
O lahat na lang ay gagawin nang ikaw ay limutin
Wala na ba talagang tsansa
Na tayo pa ay magkatuluyan

Masakit man para sa akin
Bubulong na lang sa hangin
Ang laman ng damdamin
Na ni minsan 'di mo pansin

Ang pag-asa bang inilaan naglaho at wala na talaga
O may pag-asa ba na naghihintay sa ating dalawa
Dahil ako'y umaasa pa bagbibigyan kaya
O sadya na ang resulta ay umasa sa wala

Bibitaw na sa 'ting dalawa
Oras na ngang palayain ka
Sarili'y 'di na isisiksik pa
Kung wala nga talaga sa iyong halaga

Dahil pagod na pagod na akong magkunwari pa
Lunod na lunod na ako sa mga luha
Na wala namang patutunguhan na maganda
Ang kahibangang ito'y ititigil ko na.

#IGelStories
#UmasaSaWala
#SpokenWordPoetry

MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
Facebook: www.facebook.com/IGelStories/
TikTok: www.tiktok.com/@igelstories
YouTube: youtube.com/c/IGelStories

2 years ago | [YT] | 0

I Gel Stories

PALONG PALO
Spoken Word Poetry #235
Likha ni: Sir Gel

Nanginginig na naman
Ang aking buong katawan
Habang ang kadiliman
Unti-unti akong kinukumutan

Ang puso kong sawa ng masaktan
Wala nang ibang maramdaman
Kundi paghihirap na walang katapusan
Dala ng pait ng nakaraan

Naglalaro sa aking isip
Ang mga katanungan kung bakit
Sa dulo ng bawat saglit
Laging ganito ang sinasapit

Mali bang magmahal ng sagad?
At ibigay ang lahat-lahat?
Para sa kaisa-isang pangarap
Na matagal ko ng hinahanap

Dumadampi na naman ang pangungulila
Habang nag-iisa at walang kasama
Tanging ang unan na puno ng luha
Ang kayakap sa bigat na dinadala

Hinahanap ang 'yong yakap at halik
Ang tamis at lagkit ng 'yong pagtitig
Na ngayon ay hindi na mauuulit
Dahil wala ka na at hindi na babalik

Dumidilim na paligid
Nagtatago mga tala sa langit
Pati ang buwan ay 'di sumisilip
Habang malamig na hangin ang umiihip

Saan ba ako nagkamali?
Sa sarili tanong ko yan palagi
Wala na ngang nakuhang sukli
Iniwanan pa sa bandang huli

Bakit kailangan pang mawala?
Kung kailan na ako masaya
Tsaka pa binawi ng tadhana
Ang taong aking nakilala

Bakit kailangan pang kumalas?
Kung kailan iniibig ko na ng wagas
Tsaka pa inabot ng malas
Agad-agad nagkaroon ng wakas

Palong-palo sa kalungkutan
Habang nasa gitna ng kawalan
Kung saan hindi ko magawang takasan
Ang mga alaala ng kahapong nagdaan

Ayoko ng umasa sa wala
Ang maghintay habang binabalewala
Ayoko ng mag-isa
Kaya sana dumating na ang pagpapala.

#IGelStories
#PalongPalo
#SpokenWordPoetry

MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
Facebook: www.facebook.com/IGelStories/
TikTok: www.tiktok.com/@igelstories
YouTube: youtube.com/c/IGelStories

2 years ago | [YT] | 0

I Gel Stories

IKAW NA LANG ANG KULANG
Spoken Word Poetry #234
Likha ni: Sir Gel

Ikaw ang nobelang 'di matapos-tapos
Ang istoryang may umpisa ngunit walang wakas
Kaya't ang bawat pahina unti-unti nang nalalagas
Dahil ang kasunod na kabanata ay 'di pa nailalabas

Kayganda ng simula ang dulo ay kapos
Dahil sa kalagitnaan hindi na maayos
Daloy ng mga salita wala na sa agos
Hanggang sa ang tinta tuluyan nang naubos

Ikaw ang awiting kulang pa sa tono
Ang kantang hindi makuha ang tamang areglo
Sa tuwing kakantahin nagiging sintunado
'Di masabayan ang kumpas ng bawat ritmo

Mahirap makuha ang tamang tiyempo
Hindi makita kung saan bubwelo
Ang musikang wala sa tamang liriko
Paano ipaparinig sa gitna ng entablado?

Ikaw ang tula na pilit ginagawan ng tugma
Kahit 'di man gumagamit ng magagarang salita
Umaasa pa rin na ang mensahe ay maipakita
'Di lang sa mata pati sa puso ng makakabasa

Kahit hindi man ganoon kaganda
Nawa ay magustuhan mo pa rin sana
Ang piyesang aking ginawa
Nilikha para lang sa'yo sinta

Paano ba makukumpleto ang kulang-kulang na kwento?
Kung ang mahalagang piraso na sa'kin ay bubuo
Hanggang ngayon hindi ko pa nakakatagpo
Kahit milyon-milyon naman ang tao sa mundo

Paano ba mabubuo at paano makukuntento?
Kung ang paglalaanan ng mga pangako
Na maaari kong makasama hanggang dulo
Hanggang ngayon hindi pa nagkakatotoo

Sa buhay ko ikaw na lang
Ikaw na lang ang kulang
Wala na sanang humadlang
Nang mapunan na ang puwang

Ikaw lamang ang bituing laging hinihiling
Sa langit kong kulang ang mga ningning
Kaya't sana ikaw na ay makapiling
Pangako hihintayin ko ang iyong pagdating.

#IGelStories
#IkawNaLangAngKulang
#SpokenWordPoetry

MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
Facebook: www.facebook.com/IGelStories/
TikTok: www.tiktok.com/@igelstories
YouTube: youtube.com/c/IGelStories

2 years ago | [YT] | 0

I Gel Stories

BAKIT NGA BA MAHAL KITA
Spoken Word Poetry #233
Likha ni: Sir Gel

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Kaya't lahat aking isusugal
Dahil ito ang pangako ko at salita
Na itinaya ko sa Maykapal
Hanggang sa ako'y mawala

Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang lahat ay gagawin
Wala akong hindi ibibigay
Kahit wala mang matira sa akin
'Wag lang tayong maghiwalay
Hanggang kaya ko aking tutuparin

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa iyo'y ‘di kailan man magmamaliw
Dahil hindi yun ang mahalaga
Kahit tawagin man nila akong baliw
Basta't kapiling kita at kasama
Sa iyo ko pa rin pipiliing maligaw

Buong buhay paglilingkuran kita
‘Di naghahangad ng ano mang kapalit
Kahit may mga oras na ayaw mo na
Hindi ko sa iyo ipipilit
Kung hindi mo talaga madama
Magtatampo ako pero hindi magagalit

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Dahil sa akin ay walang problema
Kung hindi ako ang iyong gusto
Kaya't 'wag kang mag-alala
Dahil tanggap ko kung ano ang totoo

Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi
Sa pagtrato mo sa akin ng kay lamig
Alam kong talo na ako sa huli
Kaya kahit masakit man sa dibdib
Tanggap kong ako'y sawi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
Siguro ganun talaga
Sa oras na tumibok ang puso
Kahit 'di pareho ng nadarama
Umaasa pa rin sa pagbabago

'Di mo man ako mahal ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo
Palagi lang na nasa tabi mo
Dahil patay na patay sa iyo
Kahit napakalayo mo
Talagang sa iyo pa rin ang takbo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Kahit tingin mo sa akin ay walang halaga
Bakit nga ba minamahal pa rin kita
Yung tipong wala naman akong napapala
Pero hindi pa rin ako nadadala

Ba't baliw na baliw ako sa ‘yo
Hanggang kailan ako magtitiis
Mananatili sa pagiging bilanggo
Sa pait na wala namang tamis
O bakit nga ba ganito
Bakit nga ba mahal kita ng labis.

#IGelStories
#BakitNgaBaMahalKita
#SpokenWordPoetry

MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
Facebook: www.facebook.com/IGelStories/
TikTok: www.tiktok.com/@igelstories
YouTube: youtube.com/c/IGelStories

2 years ago | [YT] | 0

I Gel Stories

NAG-IISA
Spoken Word Poetry #232
Likha ni: Sir Gel

Ito ako ngayon nahihirapan
Dahil minsa'y 'di ko na maintindihan
Kung ang hapdi nitong nararamdaman
Huhupa pa ba at malulunasan?

Habang ako ay nalilito
At isipan ay gulong-gulo
Hindi alam kung sa'n tutungo
At kung paano nga ba ito hihinto?

Sadyang kay lupit sa'kin ng kapalaran
Gayung ikaw lang ang aking minamahal
Oh, bakit ba ako ay nasasaktan?
Siguro dahil sa tayo ay hindi nagtagal

Ngayong naging kumplikado
Nung ang lahat ay gumuho
Hindi alam kung ba't ganito
Ang magmahal ng totoo

Kapag paligid ay puno ng katahimikan
Aking mga luha ay 'di mapigilan
Sana nga lahat ay may hangganan
Nang ginhawa naman ang maranasan

Simula nung ikaw ay nagpaalam
Hindi alam kung anong gagawin
Sa buhay kong puno na ng dilim
Dahil nawala ka na sa aking paningin

Tayo ang pinagtagpo
Sa libu-libong tao sa mundo
Ikaw ang nakilala ko
Dahil sa tadhanang mapaglaro

Wala naman ito sa plano
Pero sa'yo lang naging sigurado
Ikaw lang ang nagpatibok ng puso
Na inakala ko ay bato

Binigay ko lahat ng aking kaya
Dahil akala ko ikaw na ang aking tadhana
Ngayong ikaw ay naglaho na
Lahat ng isinugal ko'y nabalewala

Heto ako nag-iisa
Sa kisame nakatulala
Ang lahat ay pinoproblema
Na may halong pagkabahala

Kailan ba ulit ang puso ay ngingiti?
Yung tipong tuluyan nang nakabawi
Sa lahat ng sakit at pagkasawi
Nang nag-iisa at hindi nagkukunwari.

#IGelStories
#Nagiisa
#SpokenWordPoetry

MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
Facebook: www.facebook.com/IGelStories/
TikTok: www.tiktok.com/@igelstories
YouTube: youtube.com/c/IGelStories

2 years ago | [YT] | 0